Thursday, September 20, 2012

GCF Learn Free

Ito ang aking unang blogpost para sa blog na ito na ginawa ko para sa mga learners ng Alternative Learning System(ALS). Tinawag ko itong Fun Learning with ALS dahilan sa para sa aking palagay ang pag-aaral sa ALS ay dapat na maging masaya at kawili-wili para sa mga ALS learners. Ang blog na eto ay maglalaman ng mga websites, links at online resources para sa mga ALS learners. Para sa aking unang blogpost, gusto kong ibahagi ang website na GCFLearnFree na isang mahusay na website para sa pag-aaral ng ukol sa computers, pagbasa at matematika. Talaga namang kawili-wili at napakaganda ng mga online activities sa website na eto. Upang pumunta na sa website, iclick ang link na ito - GCFLearnFree.  Maari ding sundan ang kanilang blog sa link na ito - GCFLearnFree Blog.  Sundan ang kanilang mga tweets sa Twitter o di kaya ay sundan ang kanilang Facebook Page.  Maari ding manood o mag-subscribe sa kanilang YouTube site

GCFLearnFree.org

No comments:

Post a Comment